Aling Tonya's Seafood (Seaside, Macapagal Blvd., Pasay)

Kasama ang aking pinakamamahal na Mama, kami ay nag-Mother and Son bonding at nagikot-ikot sa Mall of Asia at pati pamimili ng mga karaniwang pangangailangan sa bahay ay isinabay na niya. Kaya naman ng matapos na ang kanyang pamimili at kami ay abutin nadun ng hapunan, direcho na kami kina Aling Tonya's Seafood palutuan.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na sa may Seaside ay nakahilera lang ang mga palutuan at tinatawag ding dampa ng karamihan. Kanya-kanya ang diskarte sa pagalok ang kanilang mga empleyado, sadya lang siguro sa masayahin nilang pag-alok at halos pagharang ata samin (haha) kami ay naenganyo. Hindi naman halatang nagutom kaka-ikot sa Mall of Asia dahil kahit kami lang ay dalawa, medyo marami kami pinaluto at hinain sa aming lamesa: Buttered Hipon, super pampatakam na gulay dish na kung hindi ako nagkakamali ang tawag ay Ginataang Kalabasa at Sitaw na ako'y nasarapan at napa-wow (hehe), aat one of my mom's paborito na Lato.
Kung naka-ilan akong kanin noong hapunan na yan ay iyo na lamang hulaan, dahil sa dami baka hindi mo paniwalaan. (haha) Kaya kung ika'y madaan sa Seaside at sa dami nila'y hindi mo malaman ang susubukan sa pamimilian, tikman mo na din ang mga hain ni Aling Tonya mula sa kanyang Seafood palutuan.
Buttered Hipon is <3
Kalabasa and Sitaw sa gata :) :)
Lato! :)
ang Menu. :) <3
(The above review is the personal opinion of a user which does not represent OpenRice's point of view.)
Spending Per Head
₱300 (Dinner)
5
Taste
4
Decor
5
Service
5
Hygiene
5
Value
0
0
Restaurant's Other Review
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
Aling Tonya
Aling Tonya is one of our usual choice for lunch specially if we're coming from south. We love Alin
RACEA
Level4
2013-09-23
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
Aling Tonya's!
at around 8pm me and some of my friends were hungry so we decided to eat at Aling Tonya's Seafood Re
OREO14
Level4
2013-03-30
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
I ♥ Openrice
My wife loves seafood that's why whenever we had chance, we go visit different paluto restaurant. T
RenS
Level4
2013-02-09
Post
Post
Post
Post