Aling Tonya's Seafood Palutuan (Seaside, Pasay)

Paumanhin aking kaibigan, kung ang panahon mula nung tayo'y huling nagkakwentuhan ay medyo natagalan. Ako'y meron lang mga kinailangang asikasuhin at pagkaabalahan. Sana ako'y iyong maunawaan, hangad ko'y sa ating kainan at kwentuhan ako sayo'y makabawi naman.
Sa pagbabalik ng aking mga kwento sayo, muli kong binisita si Aling Tonya at ang kanyang paluto, para hindi lang ako kundi pati ikaw din ay masubukan mo.


Kung kasama kong nag-bonding at foodtrip ang aking butihing ina noong una ko ditong bisita, ngayon naman ang aking bestfriend at maituturing din na kababata ang aking kasama. Kami ay nagikot-ikot sa Mall of Asia, matapos namin mamili na walang siyang nalalaman na isa sa aking binili ay regalo ko din para sa kanya (hehe) tumungo kami kina aling Tonya upang magpaluto at kumain bago pa man kami umuwi at magpahinga.


Kumain kami ng Inihaw nilang Pusit na may masarap pang mga pampalasa sa loob nito, ang masarap sa suka na Lato, at siyempre ang parehas naming paborito na Spicy Hipon. Sa ikalawang pagbisita ko dito ako muli ay nabusog at nasarapan, mukhang isa na ito sa mga seafood paluto na aming babalik-balikan. Kung gusto mo din kaibigan sila ay masubukan, sila'y matatagpuan sa Unit 105 sa may Seaside Macapagal Boulevard siyudad ng Pasay at kung di ako nagkakamali, mayroon din silang branches sa Ortigas at Paranaque. Kaya kung nais mo din ito masubukan, iyo ng puntahan.


Gaya nga ng aking nasabi, ako'y babawi sa ating mga kwentuhan at kainan, kaya mga susunod nating titikman ay iyo ng antabayanan.
Ingat plagi at Godbless kaibigan. -Bam
Pusit Saraaaaap :) :) <3
Lato once more! :) :))
Spicy Hipon is <3 <3.
(The above review is the personal opinion of a user which does not represent OpenRice's point of view.)
Spending Per Head
₱300 (Dinner)
5
Taste
4
Decor
5
Service
5
Hygiene
5
Value
0
0
Restaurant's Other Review
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
Aling Tonya
Aling Tonya is one of our usual choice for lunch specially if we're coming from south. We love Alin
RACEA
Level4
2013-09-23
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
Aling Tonya's!
at around 8pm me and some of my friends were hungry so we decided to eat at Aling Tonya's Seafood Re
OREO14
Level4
2013-03-30
Aling Tonya's Seafood Palutuan (Pasay)
I ♥ Openrice
My wife loves seafood that's why whenever we had chance, we go visit different paluto restaurant. T
RenS
Level4
2013-02-09
Post
Post
Post
Post